Lunas Partylist ni Brian Yamsuan Umaarangkada
Umarangkada ang Lunas Partylist ni Brian Yamsuan sa isinagawang survey ng Pilipinasnet.com matapos itong pumangatlo sa Most Trusted Partylist Group sa Metro Manila.
Wala umanong tigil sa paglilibot ang LUNAS Partylist sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa upang pakinggan ang mga hinaing at problema ng mga ‘no’work, no-pay’ workers, dagdag pa ni Yamsuan.
“Sa tingin namin ay napakinggan at maraming sumuporta sa aming mensahe at adbokasiya na kailangang pagtuunan na ng pansin ang kalagayan ng mga ‘no-work, no-pay’ workers,” pahayag ni LUNAS Partylist first nominee Brian Raymund Yamsuan.
Ang Lunas Partylist ay kilala bilang representante ng mga nasa no-work, no-pay na sektor kung saan kanilang ipinaglalaban ang karapatan at kapakanan ng mga ito.
Ang Lunas Partylist ay may numero 58 sa likod ng balota sa eleksyon sa Mayo 9.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento